!DOCTYPE html PUBLIC "-//W3C//DTD XHTML 1.0 Strict//EN" "http://www.w3.org/TR/xhtml1/DTD/xhtml1-strict.dtd"> Jo's Blog: 09/01/2005 - 10/01/2005

Jo's Blog

Ang gimik at mga paglalakbay. Kasama na ang walang kakwentakwentang bagay na nagaganap linggo-linggo sa aking buhay.

Monday, September 19, 2005

Myrtle Beach

Sept. 7,8,9 mabuti na lang ang ganda ng panahon. Nag-drive ako halos 5 oras. Okay na okay yung beach. Ayos din yung tinigilan naming Hotel Suite kumpleto sya at mura pa. Kasama ko sina Mom and Dad pati na rin yun dalawa kong kapatid. Tamang tama yung punta namin di masyadong ma-tao, di mabigat ang traffic. Mula 11am ang dami ng tao sa beach at yung iba naman nag-sa-sunbathing hanggang 4pm. Si Dad busy sa pamimingwit sa Pier 14, halos apat hanggang limang oras tumigil don kada-araw. Si Joy at Jill naman tuwang tuwa sa Archade games sa Ocean blvd. Ako lang ang naligo sa beach, takot yung dalawa kong kapatid. Nag-jacuzzi na lang silang tatlo nila Mom. Ang ganda ng lugar, iba talaga pag-malapit ka sa dagat. Mainit man ang araw pero mahangin naman lagi. Gumala din kami sa Colonial Mall at iba pang store sa Myrtle Beach. Pagkatapos namin sa beach dumiretso na kami sa Charleston City, pumunta kami sa City Market nila. Okay naman ang dami ding mga turista, naka-kalesa pa yung mga tour guide nila. Pumunta rin kami sa Waterfront Park at Battery Park. Dami naming picture film na nagamit, yung video camera isang kalahati ang naubos sa film. Talagang sulit yung punta namin.

Image hosted by Photobucket.com
Ang ganda ng view dito! 7th floor.

Image hosted by Photobucket.com
Pier 14.

Image hosted by Photobucket.com
Nalalakad lang!

Image hosted by Photobucket.com
Upo na ko! Pagod na ako sa kakalakad eh.

Image hosted by Photobucket.com
Bago ako mag-swimming, picture muna.

Image hosted by Photobucket.com
Sa gitna ng Pier 14.

Image hosted by Photobucket.com
Battery Park

Image hosted by Photobucket.com
Battery Park, Charleston City.

Tuesday, September 06, 2005

Harrah's Cherokee Casino

Linggo nagkabiglaan at nagkayakagan ang tropa pumunta sa North Carolina at mag-casino. Mag-aalas dose na kami nakarating sa Casino kase gabi na kaming lumakad. Dalawang oras lang naman ang byahe mula dito kaya okay lang. Nang makarating kami ay wala ng bakanteng kwarto sa mga motel at hotel na malapit sa Casino. Natulog na lang kami sa Van ni Allan (di ako nakatulog). Bago kami nag-sugal ay kumuha muna ako ng Rewards Card, para maka-ipon ako ng points. Sayang naman baka makabalik uli ako sa susunod na taon. Keno at Poker video game ang nilaro ko. Nakaka-adik, buti na lang di ko dinala yung credit cards ko, kung hindi ay patay ako sa bill nito. Di-na kami nakagala sa lugar at nakapamasyal, wala na kaming oras kahapon at kailangan na naming bumalik kase may pasok pa sa trabaho si Maria sa hapon. Wala rin akong picture ng place, tinamad na ako (busy kase mag-sugal eh, lol). Antok na antok ako nang makauwi kami. Oo nga pala si Romeo, ang lakas humagok sa van. Malakas pa sa utot ni Allan eh!