Washington D.C.
Walong oras kaming nag-drive papuntang Washington D.C. this weekend. Napaka-init ng panahon at halos lahat ng tao doon ay naka-short at t-shirt lang. Grabe ang init talagang nakakapangit. Pa-ikot ikot kami sa lugar dahil ang daming park at musuem na puwedeng puntahan. Nasimula kami sa Smithsonian Museum, National Museum of American History, Washington Monument, Whitehouse at tapos yung US Marine Corps Memorial Park. Napakadaming tao at napakahirap mag-hanap ng mapa-parking-ngan. Talagang dapat ka talagang maglakad ng maglakad ng napakalayo. Dikit-dikit naman yung park at museum pero kung napakainit ay nakakainis. Isa pang napansin ko ay karamihan sa daan ay bawal ang left-turn at U-turn. Kaya kung babalik ka sa isang lugar ay right-turn ka ng right turn. Di na ako nakabili ng souvenir kase naging busy kami sa paghahanap sa mga park. Sinubukan din naming maghanap ng Pinoy Restaurant pero wala na don, lumipat na sa ibang lugar. Nang pa-uwi na kami dumaan na lang kami sa Richmond Virginia at kumain sa Manila! Manila! Cafe and Grill Restaurant. Sarado na sila ng dumating kami pero mabait yung may-ari. Pinagbuksan pa kami. Kahit alam ko na sarado na sila, tinanong ko pa rin. Ang kapal ko nga eh. Marami pa akong pics pero di ko pa napapa-develop kaya ito ang ilan sa mga kuha ko. Dadagdagan ko na lang sa susunod.
WhiteHouse di ka na pwedeng mag-drive dito, hinarang na nila.
US Marine Corps Memorial Park (Philippine ang tinuturo ko, naka-engrave)
US Marine Corps Memorial Park (Bataan at Corrigidor naka-engrave)
"Si Baby Al naman, sumingit na naman"
Department of Treasury (Ayos ang tayo ni Baby Al ah!)
Smithsonian Institution
National Museum of American History
WhiteHouse di ka na pwedeng mag-drive dito, hinarang na nila.
US Marine Corps Memorial Park (Philippine ang tinuturo ko, naka-engrave)
US Marine Corps Memorial Park (Bataan at Corrigidor naka-engrave)
"Si Baby Al naman, sumingit na naman"
Department of Treasury (Ayos ang tayo ni Baby Al ah!)
Smithsonian Institution
National Museum of American History