!DOCTYPE html PUBLIC "-//W3C//DTD XHTML 1.0 Strict//EN" "http://www.w3.org/TR/xhtml1/DTD/xhtml1-strict.dtd"> Jo's Blog

Jo's Blog

Ang gimik at mga paglalakbay. Kasama na ang walang kakwentakwentang bagay na nagaganap linggo-linggo sa aking buhay.

Tuesday, March 14, 2006

Skiing

Biyernes pumasok ako sa trabaho ng half-day kase may lakad sana ako pero di natuloy. Tinawagan ako ni Jun at inalok akong sumama sa kanila sa North Carolina para mag-skiing sa Blowing Rock Appalachian Ski Mountain. Umalis kamin ng 3PM at halos dalawang oras ang biyahe papuntang Boone. Dumeretso kami sa Boone kase doon kami mag-o-overnight sa bahay ng nanay ni Jun. Pumunta rin kami kina Ate Vilma at Kuya Joel kase birthday ng anak nilang bunso. Maraming din silang bisita, kain at karaoke at natuto rin akong mag-majong. Marami silang handa di namin naubos! Sulit ang punta namin kase di namin akalain na wala ng snow pero meron pa. Sayang wala akong picture first time ko pa naman kase akala ko mahihirapan ako at baka masira ko yung camera. Madali lang pala, paghinto lang ang dapat ko pang galingan. Punta uli kami next year.

Image hosting by Photobucket
Karaoke sa Bahay nila Ate Vilma at Kuya Joel. Boone N.C.

Image hosting by Photobucket
Si Allan kalbo humarang pa!

Image hosting by Photobucket

Thursday, October 13, 2005

North Carolina and Tennessee

7:30 AM biyernes umalis na kami papuntang North Carolina, nagpa-reserve na kami ng kuwarto na malapit sa Harrah's Cherokee Casino. Maganda yung nakuha naming lugar at hotel kase malapit din sa Chinese restaurant, fast food stores at gas station, walking distance lang. Nag-sugal muna kami, nanalo ako ng $82 pero talo ng halos $118. Pumunta kaming Tennessee ng umaga sa Gatlingburg, okay yung lugar kesa lang medyo malamig at mahamog kasi mataas yung lugar. Drive kami pataas ng bundok, zig-zag yung daan, nahilo ako. Pero ang ganda ng scenery sa taas, daming tao ang nagkukuhanan ng picture. Kitang kita mo yung kabundukan. Sa Gatlinburg, unang beses ko pa lang nakasakay ng Cable Car, okay yung 20 minutes ride namin mula sa downtown Gatlinburg papuntang Ober Gatlinburg All Seasons Amusement Park (Ober Gatlinburg Tramway). Kahit na mahamog ang ganda noong aerial view. Ako naman nag-drive pabalik ng North Carolina, hilo pa rin ako. Bumper to bumper yung daan tapos bangin pa yung tabi ng daan. Post ko na lang yung ilang pictures next time, pa-print ko muna.

Monday, September 19, 2005

Myrtle Beach

Sept. 7,8,9 mabuti na lang ang ganda ng panahon. Nag-drive ako halos 5 oras. Okay na okay yung beach. Ayos din yung tinigilan naming Hotel Suite kumpleto sya at mura pa. Kasama ko sina Mom and Dad pati na rin yun dalawa kong kapatid. Tamang tama yung punta namin di masyadong ma-tao, di mabigat ang traffic. Mula 11am ang dami ng tao sa beach at yung iba naman nag-sa-sunbathing hanggang 4pm. Si Dad busy sa pamimingwit sa Pier 14, halos apat hanggang limang oras tumigil don kada-araw. Si Joy at Jill naman tuwang tuwa sa Archade games sa Ocean blvd. Ako lang ang naligo sa beach, takot yung dalawa kong kapatid. Nag-jacuzzi na lang silang tatlo nila Mom. Ang ganda ng lugar, iba talaga pag-malapit ka sa dagat. Mainit man ang araw pero mahangin naman lagi. Gumala din kami sa Colonial Mall at iba pang store sa Myrtle Beach. Pagkatapos namin sa beach dumiretso na kami sa Charleston City, pumunta kami sa City Market nila. Okay naman ang dami ding mga turista, naka-kalesa pa yung mga tour guide nila. Pumunta rin kami sa Waterfront Park at Battery Park. Dami naming picture film na nagamit, yung video camera isang kalahati ang naubos sa film. Talagang sulit yung punta namin.

Image hosted by Photobucket.com
Ang ganda ng view dito! 7th floor.

Image hosted by Photobucket.com
Pier 14.

Image hosted by Photobucket.com
Nalalakad lang!

Image hosted by Photobucket.com
Upo na ko! Pagod na ako sa kakalakad eh.

Image hosted by Photobucket.com
Bago ako mag-swimming, picture muna.

Image hosted by Photobucket.com
Sa gitna ng Pier 14.

Image hosted by Photobucket.com
Battery Park

Image hosted by Photobucket.com
Battery Park, Charleston City.